After Ten Years...
My life's still the same but ten years is such an
exaggeration.
I haven't been here in a while not because I didn't have the time or the thoughts to write... It's just that I'm lazy like that. Marami na ring nangyaring worth writing about kaya lang tinatamad ako. Kahit ngayon, habang tinatype ko 'to, tinatamad ako kaya wala rin akong matinong masusulat dito.
Eh ayun. Everyone's trying to guess who J is. For all you people know, J is just a figment of my over-active imagination. Pwede naman yun, diba, sa baliw kong 'to... Hehe!
Anyway, works been a roller coaster these past few weeks, sometimes we're too free to the point I'd get really bored and bug someone or count down 'til it's time to go home, and other times have too much work to do, tapos walang time para mambulabog ng iba. But work's been pretty entertaining, tumatawa na lang akong bigla, alam na daw nila kung bakit. Nagiging masama nanaman ako. Sino ba nagsimula ng "kasamaan" ko? Tsktsk...
Gusto ko mag-Bohol... After bagyuhin sa Baguio, gusto ko naman mag-Bohol. Ewan ko ba, ang dami kong gustong puntahan, pero ang tanong, asan ang pera? Hay! Sana mayaman ako. Sana Rica isn't just a (my) name.
It's All In The Mind
Minsan, gusto ko na lang i-shut down yung utak ko, kahit sandali lang. Nakakapagod kasing mag-isip. Sana pwede yung ganun.
Everything I have proof of tells me it's a hopeless case. But everything I see with my eyes and I feel with my heart tells me otherwise. So anong susundin ko? Isip? O puso?
Naglustay nanaman ako ng pera sa kung anong mga bagay ngayong araw, shopping at pagkain. Bakit? Eh depressed eh. Bakit nga ba masakit masaktan? Hay!
Reverse Psychology
I finally got the answer to my question last night. It's what happens after that has "the" connection. Kanina ko pa sinasabi sa sarili ko na reverse psychology lang yun. Umaasa pa rin ako. Hay! Di ko magets bakit ako nahurt. It was mentioned in the middle of conversation, out of nowhere. I was happy bago yun, we were happy. Pero after may magsabi nun, aray, gusto ko nang umiyak. Ang hirap. Nakakainis. Masakit. Di na nasanay. Lagi namang ganun.
I hate this! I f*ckin' hate this!
On a less emotional note... Kakaiba yung sky kanina. Sayang, di ko dala yung digicam ko. Parang nasusunog yung mga clouds. tapos may ibang part na kulay pink... Nung isang araw naman, while at Roxas Blvd., sobrang purple ng mga kidlat sa Manila Bay, hirap lang hulihin sa camera kasi ang bilis.
Ayun lang. Wala na akong masabi.
Hearts and Kidneys
Natanong ko lang sa sarili ko, may konek ba ang puso sa kidney? Haha! Pa'no kasi, naisip ko lang kanina, sa tuwing nababaliw ako sa lalake, nagkakaproblema yung kidney ko. Una, nung 2001. Yung pangalawa, 2004. Ngayon naman, ganun ulit (pero di pa ako sure kung meron ngang problema). Yun nga kaya yun, pag nababaliw ako? O baka naman yung nangyari after kong mabaliw yung may konek? Ay, ewan! Ayoko na isipin. Hehe!
Yun lang muna. Daming trabaho.
What I Need...
Marami akong kailangan.
A less complicated life. Serenity. Privacy. Change.
Buti na lang naisipan niyang baguhin yung usapan. Unfair naman talaga yung 1/5. Di lang ako makareklamo.
Excited na ako mag-Baguio. Pero di ako excited sa magiging gastos ko pag andun na. Ang hirap nang ikaw yung nag-aaya, sagot mo lahat. Hay!
Gusto ko matutong sumayaw. Oo, marunong ako, pero hindi magaling. Gusto kong mag-aral magsayaw pero nakakatamad lang. Haha!